Most Awaited

banner

Friday, April 1, 2011

Sangdakot ng Biyaya

AWIT 121 [Si Yahweh ang Ating Saklolo]


1 Do'n sa mga burol, ako'y napatingin---
   sasaklolo sa akin, saan manggagaling?

2 Ang hangad kong tulong, kay Yahweh
   magmumula, sa Diyos na lumikha ng langit at ng lupa.

3 Di Niya ako hahayaang mabuwal,
   Siya'y di matutulog, ako'y babantayan.

4 Ang tagapagtanggol ng [bansang Pilipinas]
   hindi natutulog at palaging gising!

Isang kaaliwan sa akin ang marinig ang mga naturang salita mula sa Salita ng Panginoon. Sa tuwing aking sisilayan ang mga aralin na tila isang higante na kay hirap daigin, naitatanong ng aking payak na kaisipan kung papaano ko ito aaralin.

Ngunit tulad ng tinuran ni Haring David sa kanyang mga Awit, ang aking tulong ay hindi manggagaling sa aking karunungan, bagkus sa aking Panginoon na may likha ng lahat ng bagay. Sa Kanya nagmula ang lahat ng karunungan, maging ang karunungan ni Haring Solomon na walang sino man sa daigdig ang makahihigit ay Kanyang bigay.

Panatag akong ang Kanyang kamay ay laging nakaagapay sa akin at kailanman ay hindi Nya ako pababayaan. Sa Kanya ko iniaalay ang lahat ng ito!

No comments:

Post a Comment